WALANG PUTULAN HANGGANG END – 2020 PINAG-AARALAN NG ERC SA BILL NG KORYENTE

ERC

PLANO ng Energy Regulatory Commission (ERC) na palawigin ang ‘no disconnection’ policy hang¬ gang sa katapusan ng taon sa harap ng patuloy na pagdurusa ng mga consumer sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa Senate hearing sa panukalang P564 million budget ng komisyon para sa 2021, tinanong ni Senadora Risa Hontiveros kung maaaring i-extend ang moratorium sa pag-iisyu ng electricity disconnection notices mula October 31 sa December 31 deadline.

‘Yan po ang nakalagay sa aming draft ngayon. Sinusundan din po namin ang spirit, not just the letter of the laws,” sabi ni ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera.

Binigyang-diin ni Devanadera na laging isinusulong ng  ERC ang pagluluwag sa disconnection policies sa gitna ng pandemya kung saan isinasaalang-alang umano nito ang kalagayan ng mga consumer.

Gayunman, ang mga may kakayahan aniyang magbayad ng kanilang electricity bills ay hindi na ito dapat pang patagalin.

‘Kakambal po nito ang panawagan na doon naman sa kayang magbayad at mayroong pang mga pambayad—nakapagpadala na siguro ang kanilang mga anak, nakapagbigay naman na ng budget—ay magbayad na,” anang opisyal.

Dagdag pa niya, hindi rin dapat ipagpaliban ng government offices ang pagbabayad ng kanilang bills.

Comments are closed.