SIYAM na oras na water service interruption ang mararanasan ng aabot sa 123 mga barangay sa Maynila, Makati, Mandaluyong at San Juan.
Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang service interruption alas 9:00 ng gabi ng Huwebes (Setyembre 3) hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Setyembre 4) dahil sa isasagawang pipe relocation at retrofitting sa Lambingan bridge.
Pinakamaraming maaapektuhan na barangay ay sa Maynila na aabot sa 94 habang 16 na barangay naman ang apektado sa Mandaluyong, 7 barangay sa Makati at 6 na barangay sa San Juan.
Pinayuhan ng Manila Water ang publiko na mag-ipon ng tubig na sasapat sa kanilang pangangailangan sa panahon ng service interruption.
Narito ang buong listahan ng mga maaapektuhang barangay:
MANILA (94):
763, 764, 765, 766, 767, 768, 769, 770, 771, 772, 773, 774, 775, 776, 777, 778, 779, 780, 781, 782, 783, 784, 785, 786, 787, 788, 789, 790, 791, 792, 793, 794, 795, 796, 797, 798, 799, 800, 801, 802, 803, 804, 805, 806, 807, 808, 809, 810, 811, 812, 813, 814, 815, 816, 817, 818, 818-A, 819, 820, 866, 869, 873, 874, 875, 876, 877, 878, 879, 880, 881, 882, 883, 884, 885, 886, 887, 888, 889, 890, 891, 892, 893, 894, 895, 896, 897, 898, 899, 900, 901, 902, 903, 904, 905
MAKATI CITY (7):
Poblacion
Valenzuela
Olympia
Carmona
Kasilawan
Tejeros
Singkamas
MANDALUYONG CITY (16):
Bagong Silang
Burol
Daang Bakal
Hagdang Bato Itaas
Hagdang Bato Libis
Harapin Ang Bukas
Hulo
Mabini-J. Rizal
Namayan
New Zaniga
Old Zaniga
Pag-asa
Plainview
Poblacion
San Jose
Vergara
SAN JUAN CITY (6):
Addition Hills
Batis
Kabayanan
Maytunas
Santa Lucia
Tibagan
Comments are closed.