TINIYAK kahapon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sapat ang supply ng tubig sa Metro Manila ngayong summer.
“The main water source of supply for Metro Manila is the Angat and Ipo dams. Despite the extreme hot weather, Angat Dam’s water level remains high at 194.3 meters which is 14 meter higher than its required level of 180 meters. So there is adequate water supply to meet domestic and industrial demand in Metro Manila,” pahayag ni MWSS Administrator Reynaldo V. Velasco.
Idinagdag niya na ang pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay normal lamang tuwing tag-init.
Ginawa ni Velasco ang pahayag sa mga customer ng Manila Water at Maynilad kasunod ng pakikipagpulong kina Maynilad President Ramoncito Fernandez at Manila Water Chief Operating Officer Ding Carpio upang resolbahin ang technical issues sa raw water supply allocation dahil sa paglaki ng pangangailangan sa tubig ng mga consumer sa panahon ng tag-init.
Sa katunayan ay nangako ang National Water Resources Board (NWRB) na tataasan ang water allocation mula sa Angat Dam sa La Mesa Dam upang madagdagan ang supply ng tubig sa Metro Manila.
Kinumpirma naman ni NWRB Executive Director Sevillo David ang pagtitiyak na isinagawa ni MWSS Administrator Velasco.
Sa kabila nito, nanawagan si Sevillo sa mga consumer na magtipid ng tubig at maging responsable sa pagkonsumo ng tubig.
“The water reserve from Angat Dam is still enough to supply the overall needs of the residents in Metro Manila and the irrigation needs in nearby Luzon during this hot and dry season but of course, I call on everyone to conserve and preserve water – which is one of our basic commodities,” aniya.
Dagdag pa niya, bagama’t nakahanda sila na magbigay ng dagdag na alokasyon, kailangan ding maging responsable ng publiko sa kanilang pagkonsumo. (PNA)
Comments are closed.