NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang South Korean fugitive na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kasong economic crimes.
Kinilala ang suspek na si Chung Chan, 63 anyos, na agad na hinarang ng mga immigration officer para dumaan sa masusing imbestigasyon bago pabalikin sa kanyang port of origin.
Nabatid mula sa pamunuan ng Immigration na si Chung ay dumating sa NAIA terminal 3 noong Sabado ng umaga, sakay ng Cebu Pacific flight mula sa Tokyo, Japan.
At nadiskubre ng Immigration na ito ay na-convict sa high tech and intellectual property crimes ng Seoul Central District Prosecutors Office sa Ko-rea.
Si Chan ay tumakas papuntang Japan bago nagtungo sa Filipinas para magtago.
Ayon kay Atty. Rommel Tacorda, hepe ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU), si Chung ay naaresto ng kanyang mga tauhan dahil sa red notice mula sa Interpol na inilabas nitong Hunyo 18.
Dagdag pa ni Tacorda na si Chung ay sangkot sa mga kasong embezzlement, breach of trust at falsification of public documents. FROI MORALLOS
Comments are closed.