WANTED NA NPA NASILO

ARRESTED-6

CAMARINES SUR – MAKALIPAS ang halos siyam na taon na pagtatago sa batas,  nadakip na ng pinagsanib na puwersa ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, 9th  Infantry (Spear) Division 48 IB at Criminal Investigation and Detection Group ang  isang miyembro ng CPP-NPA terrorist  na nag-o-operate sa lalawigan ng Bicol.

Sa report na tinanggap ni Acting 7ID Commander BGen.Lenard  Agustin, kinilala ang suspek na si Ariel Posadas y Salvante alyas  Ka Gemo, 55-anyos, vendor.

Inaresto ang suspek sa bisa ng  standing warrant of arrest sa kasong murder na criminal case number 14252 Branch 38  RTC Hon. Judge Roberto Escaro Camarines Sur at multiple frustrated murder NPS-V-09-INY-11K-01706 .

Nadakip si Ka Gemo sa kanyang bahay sa  Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan ganap na alas-10:30  ng umaga.

Sa imbestigasyon ni Supt. April Mark Young, si Ka Gemo, ay miyembro  ng Larangan 1, Komiteng Probinsyal 1-Bicol Regional Party Committee (L1, KP1, BPRC).

Paliwanag ni Ka Gemo, tumakas siya sa grupo niya sa Bicol dahil inalisan siya ng baril.      THONY ARCENAL

Comments are closed.