CAVIT – DO OR DIE ang isang dating kasapi ng Philippine Army nang piliin nitong magpakamatay kaysa pahuli ng buhay matapos na mag-amok ito na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng limang iba pa sa General Trias.
Noong Linggo bigla na lamang nagwala at namaril si Junny Palacio gamit ang calibre 38 baril.
Sa paunang imbestigasyon ng General Trias Municipal Police Station, pinagbabaril ni Palacio ang anim na biktima dahil sinisiraan umano siya ng mga ito.
Ayon sa General Trias Police, dating tauhan ng Philippine Army si Palacio kaya napuruhan nito ang isa sa mga biktima na si Murharma Bautista.
Sugatan din ang isang retiradong sundalo na si Albert Sorio at apat na iba pa na kinabibilangan ng dalawang pulis.
Napag-alamang nasukol ng mga rumespondeng pulis si Palacio subalit sa halip na sumuko nang mapayapa ay nagbaril ito sa kanyang sarili na agad ding niyang ikinasawi. VERLIN RUIZ