NAKATAKDANG isailalim sa weapon upgrades ang mga Del Pilar-class offshore patrol vessels ng Philippine Navy (PN) na sinasabing gagastusan ng milyong halaga para makaagapay sa mga barkong pandigma ng mga kalapit bansa.
Ang kontrata para sa Del Pilar-Class Upgrade Program na gagastusan ng PHP1,304,200,000 ay nakuha ng South Korean defense manufacturer Hanwha Systems Co., Ltd.
Napag-alaman na may mga plano na para sa pag-i-install ng mga mas malalakas na sandata sa tatlong Philippine Navy (PN) Gregorio Del Pilar-class offshore patrol vessels.
Ito ang inihayag ni PN flag-officer-in-command Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo nang tanungin kung may plano ba na higit pang palakasin ang mga dating Hamilton-class cutters na nakuha mula sa US Coast Guard noong 2011, 2013 at 2017 at kabitan ng mga makabagong sandata.
“That will come later. Right now the (ongoing) Del Pilar-Class Upgrade will involve the installation of sonar, installation of combat management system, and the installation of air-search radar,” ani Bacordo.
Sa kasalukuyan ay armado ng 76mm Oto Melara automatic cannon, 25mm at 20mm light cannons at .50 caliber machineguns ang tatlong Del Pilar-class offshore patrol vessels.
Nilinaw pa ng opisyal na balewala ang sonar system kung hindi ito sasamahan ng weapon system capable na tutugon sa hostile submarine contacts.
“If you put on a sonar (system) what will (you use to prosecute) a submarine (contact),” ani Bacordo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.