KINONDENA ng Bureau of Customs (BOC) ang pag-hack sa kanilang website kahapon upang sirain ang kanilang operasyon partikular na ang computerization program ng ahensiya.
Ayon kay Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, nais lamang sirain ng hacker ang disenyo ng kawanihan para sa kakayahan ng BOC, transparency at masawata ang graft and corruption.
Sa kabila ng insidente ay siniguro ni Guerrero na hindi naapektuhan ang kanilang website, bagkus ay secured ito at ang e2m computer system ng BOC ay nananatiling intact, at wala ring nasira sa kanilang operasyon.
Kamakailan ay inilunsad ang BOC website sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Computer Emergency Response Team (CERT-PH) sa ilalim ng Cybersecurity Bureau ng DICT.
Nabatid na ang CERT-PH ang siyang may karapatan na mag-provide ng pro-active government countermeasures, para matugunan o i-anticipate ang lahat ng domestic at transnational incidents na makaka-apekto ng Philippine cyberspace and any cybersecurity threats to the country.
Comments are closed.