HINIKAYAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga lokal na mangingisda na gawing fishing grounds ang West Philippine Sea.
Ayon kay BFAR Assistant Regional Director Robert Abrera, layunin nitong makapagpahinga ang ibang fishing grounds at hayaang mag-mature at makapagparami ang mga isda sa karagatan na laging pinangingisdaan.
Dagdag pa ni Abrera, hindi masyadong napupuntahan ang area ng West Philippine Sea kaya’t tiyak na maraming mahuhuling isda rito.
Sa ganitong paraan, makapagpapahinga ang mga karagatan sa Mindoro, Zambales at Panay Islands.
Nauna rito, nagtayo ng community fish landing center at ice plant project sa Barangay Pag-asa Island sa Kalayaan para bigyang solusyon ang fisheries poverty reduction.