GINULANTANG ni Czech Marketa Vondrousova si Tunisian Ons Jabeur sa dalawang sets upang maging 2023 Wimbledon ladies’ singles champion.
Naitala ng 24-year-old ang 6-4, 6-4 panalo laban sa Tunisian.
Ang dalawang players ay kapwa sumalang sa kanilang maiden Grand Slam title sa London.
Pinapaboran si Jabeur, ang world no. 6, na manalo ng korona, ngunit binigo siya ng world no. 42 na si Vondrousova.
Si Vondrousova, na inaasahang aakyat ng 30 puwesto sa women’s singles ranking matapos ang kanyang title win, ay naging unang unseeded woman na nanalo sa Wimbledon sa Open era.