SI Dr. Richie ‘Ching’ L. Montebon, 28, ng TESDA Region Vll ang itinanghal na National Winner sa katatapos na 2019 Idols ng TESDA, Wage-Employed Category. Siya’y college dean ng University of Cebu at instructor. Siya rin ang tumanggap ng Batang TESDA! TESDA Best! Special award. Si Dr. Ching ay holder ng anim na tech-voc qualifications na kinabibilangan ng NCs Events Management Services, Housekeeping, Bread and Pastry, at Production, Cookery at Driving.
Si Ching, ay lumaki sa Tuburan, Cebu. Siya’y pangalawa sa anim na magkakapatid. Isang maintenance personnel ang kanyang ama at simpleng maybahay ang kanyang ina. Ang natamong mga tagumpay ay dala ng kanyang determinasyon at pagsisikap na maabot ang mga pangarap simula pa pagkabata. Naging masigasig siyang mag-aaral at ipinakita ang kanyang leadership skills simula elementarya hanggang high school sa Tuburan Central School at Tuburan National High School.
Dahil sa limitadong budget ng pamilya, hindi na makapag-aral si Ching sa kolehiyo, subalit bago pa siya magtapos, bumuo na siya ng kanyang ‘blue print” kung paano ito ipagpapatuloy sa pamamagitan ng pagiging working student. Napilitan siyang lumayo sa pamilya at nagtungo sa Cebu City para maisagawa ang nasabing plano. SY-2007-2008, nag-enroll siya sa University of Cebu at kumuha ng 2-year Associate in Hotel and Restaurant Management (HRM) course, sa ilalim ng Ladderized Education Program (LEP) ng TESDA. Pumasok siyang service crew sa McDonald’s at nag-part-time bilang Room Attendant sa isang hotel sa Mactan para may panustos sa kanyang pag-aaral.
Nang matapos ang kanyang two-year course, itinuloy niya ito sa baccalaureate degree, kumuha siya ng HRM. Naging beneficiary siya ng Pangulong Gloria Scholarship (PGS) sa ilalim ng LEP. Pagka-graduate, kinuha siya bilang empleyado ng resort sa Mactan Island, kung saan siya nag-OJT. Taong 2012, nang tanggapin nito ang alok ng kanyang mga naging guro na maging ‘full-time’ faculty member sa University of Cebu-Lapu-Lapu and Mandaue Campus.
Kumuha siya ng kanyang master’s degree na Business Administration major in HRM at natapos ‘with flying colors’ kung saan isa siya sa mga cum laude noong 2015. Sa kabila ng kanyang busy schedules, sumailalim pa rin siya sa iba’t ibang tech-voc trainings. Siya’y Certified Assessor ng mga sumusunod na competencies: Front Office Services – National Certificate ll; Housekeeping Services NC ll, Customer Services NC ll. Nitong nakalipas na Marso 23, 2019, opisyal siyang na-conferred bilang Doctor of Philosophy in Management, na kanyang tinapos sa Cebu Institute of Technology-University.
Sa labas ng academe, patuloy niyang ibinabahagi ni Ching ang kanyang mga blessings, isa dito ang pagbabahagi ng mga inspirational messages upang ma-inspire ang mga estudyante sa kahalagahan ng tech-voc at iba pa. Dahil sa kanyang mga achievements at qualifications, na-accredit siya ng Royal Institute of Singapore bilang Technical Trainer Level lll.
Comments are closed.