UMAKYAT ang Philippine national women’s foot- ball team sa no. 46 sa latest FIFA rankings bago sumabak ang Filipinas sa 2023 World Cup sa su- sunod na buwan sa New Zealand.
Ang Filipinas ay umangat ng tatlong puwesto mula no. 49, dating high na kanilang nakamit noong March 2023.
Naunahan na nila ngayon ang Myanmar (no. 50) upang maging fourth-ranked team sa ASEAN region sa likod ng no. 10 Australia, no. 32 Vietnam, at no. 44 Thailand.
Ang koponan ay galing sa mabigat na kampanya sa 32nd SEA Games sa Cambodia noong nakaraang buwan, kung saan tumapos ang Filipinas na may 0-1-3 win-draw-loss record at nabigong makaalpas sa group stage.
Ang Pilipinas ay nagwagi ng bronze medal sa naunang edisyon ng biennial meet.