WORLD TITLE IDEDEPENSA NI YULO

Carloss Yulo

MATAPOS ang pagsabak sa Tokyo Olympics ay itataya ni Carlos Yulo ang kanyang korona sa World Artistic Gymnastics sa Kitakyushu, Japan sa October 18-24.

Pipilitin ng Japan-based na Pinoy na mapanatili ang korona at iwaksi ang kabiguang nalasap sa quadrennial Games.

Nakapag-adjust na at nasa tamang kondisyon, handang harapin ng 21-anyos na si Yulo ang mga bigating katunggali sa gabay ni long-time Japanese coach Munehiro Kugimiya.

”He used to get himself down when something goes wrong, but now he can control his emotions,” sabi ni Kugimiya.

“Ok na ako. My condition is getting better. Physically and mentally fit ako. Handa na ako muling lumaban,” wika ni Yulo.

Sinabi ng Southeast Asian Games gold medalist na ibinigay niya ang lahat pero nabigo pa ring masungkit ang ginto sa Olympic Games.

Ang pagkatalo sa Olympics ang nag-udyok kay Yulo para paghandaan nang husto ang pagdepensa sa World Artistic Gymnastics Championships title.

Sinabi ni Kugimiya na seryoso ang paghahanda ni Yulo sa kanyang title retention campaign.

Tumira si Yulo sa Japan noong 2016. Unang pumunta ang Pinoy sa Japan noong 2012. Si Yulo ay kabilang sa priority athletes ng Philippine Sports Commission (PSC). CLYDE MARIANO

Comments are closed.