SAN FERNANDO, Pampanga – Pinangunahan ng beteranong si Mark Yee ang Homegrown Grains Bocaue para sa 21-16 panalo laban sa ARQ Builders-Cebu sa pagsisimula ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Invitational tournament kahapon sa Laus Group Events Centre dito.
Sa kabila ng lakas na ipinamalas ng ARQ-Cebu bigmen na sina Frederick Elombi at import Landry Sanjo sa inside play, humirit sa outside shooting ang tropa ni Yee at sa pamamagitan nina Ralph Tansingco at Dennis Santos ay nagawang maitabla ang iskor sa 16-all.
Sa krusyal na sandali, ang karanasan ni Yee ang nangibabaw sa naiskor na krusyal na basket, tampok ang dalawang free throws mula sa foul ng 6-foot-7 Cameroonain na si Sanjo.
Nakauna ang Bocaue sa Pool B ng torneo, na kinikilala ng FIBA 3×3 at pinapatnubayan ng Games and Amusements Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.
Sa iba pang laro, sinandigan ni Joseph Eriobu ang Pacquiao Coffee Bacolod laban sa Pasay Adam Esli Pasay, 22-14, sa Pool A.
Giniba naman ng magkapatid na Ryan at Nikki Monteclaro ng Pasig Kingpins ang Zamboanga, 21-9, sa Pool C action, habang naisalpak ni Marvin Hayes ang game-winning shot sa huling 17.9 segundo sa panalo ng AMACOR Mandaluyong’s 21-20 kontra Henry Iloka-led RBR Cabiao Nueva Ecija.
Patuloy ang laro sa quarterfinal hanggang Finals kahapon sa torneo na may nakalaang P100,000 para sa kampeon. EDWIN ROLLON
755639 731429Excellent read, I just passed this onto a colleague who was doing a little research on that. And he actually bought me lunch because I located it for him smile So let me rephrase that. 215991
907271 321110You require to join in a contest first of the finest blogs on the web. I most definitely will suggest this internet site! 518686
291295 885730If your real buddies know you as your nickname, use that nickname as your first name online. When you 1st friend someone, focus on creating a individual comment that weaves connection. 724212
787316 656223Most suitable boyfriend speeches, or else toasts. are almost always transported eventually through the entire wedding party and are still required to be really fascinating, amusing and even enlightening together. greatest mans speech 988406