ALTHOUGH ang ambisyon niya ay maging doctor, nag-decide ang Kapamilya actress na si Elisse Joson na magtayo ng sarili niyang Resto Bar Boutique business at full support kay Elisse ang rumored boyfriend na si Jameson Blake sa opening ng kanyang “Bites by Stylisse” restaurant last February sa Mandaluyong City.
Ayon pa sa mga nakakain na roon ay sobrang sarap ng food na sine-serve at ipinagmamalaki ni Elisse tulad ng kanyang sariling recipe na “Elisse’s Secret Fries” na yummy raw talaga.
Bukod sa pagkain ay nagbebenta rin sila ng dress, shoes, bags at iba pang items. Ang exact location ng Bites by Stylisse ni Elisse ay sa #31 San Joaquin Corner Sto. Nino St, Plainview, Mandaluyong City.
NEWCOMER NA SI JESSA LAUREL MAGRE-RELEASE NG UNANG SINGLE
PINADALHAN kami ng aming alaga na si Jessa Laurel ng demo ng kanyang ire-record na English lovesong na siya ang nagsulat ng lyrics na inareglo ng kanyang friend na si Mark Atienza na popular sa sariling official YouTube channel.
In all fairness ay maganda ‘yung song pero nag-suggest kay Jessa, na mas maganda kung Tagalog lovesong muna ang gawin niyang single at i-release para ma-download sa ilang social media platform gaya ng Spotify, Amazons, iTunes etc.
Mas magkakaroon kasi agad ng impact kapag Tagalog at marami ang makaka-relate. Samantala, nakatakdang mag-guest si Jessa sa Morning show ng NET25 na “Pambansang Almusal” at excited na ang dalaga ni Mommy Juvy na kumanta sa show lalo’t
first guesting niya ito sa TV. Ang request sa kanya ay kumanta ng OPM at ready naman si Jessa at marami siyang alam na kantang tagalog. Nakatakda ring umapir si Jessa sa iba pang TV and radio programs.
Nakapag-guest na po ako sa show ni Tito Morly Alinio sa DZRH pero matagal na ito kaya excited na po ako dito sa mga bago kong guestings and sana magustuhan ng viewers ‘yung performance ko at pagbubutihan ko po naman,” sabi pa ni Jessa.
BATANG DABARKADS NABIGYAN NG SCHOOL SUPPLIES AT ALLOWANCE SA EB
NATUPAD ang wish ng batang si Margarette sa kanyang ipinadalang liham sa Eat Bulaga, na magkaroon ng libreng school supplies dahil malapit na ang pasukan. Masuwerteng nabunot si Dabarkads Margarette at agad na binigyang katuparan ni Bossing Vic Sotto ang kanyang kahilingan. Hindi lang mga gamit sa eskuwela ang ipinagkaloob ni Bossing at ng Eat Bulaga kay Margarette kundi binigyan pa siya ng cash na pwede niyang pambayad sa school at may pang allowance pa. Isa ang Bulaga sa mga programang pinahahalagaan ang edukasyon kaya binuo nila ang EB Best na matagal ng nagpapa-aral sa mga kabataan sa buong Filipinas na hindi kayang sustentuhan ng kanilang mga magulang.
Comments are closed.