DINOMINA ni Filipino Olympian at gymnast Carlos Yulo ang kanyang paboritong event na floor exercise upang makopo ang gold sa 15th FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar noong Biyernes.
Umiskor si Yulo ng 14.833 laban sa 14.200 ni Minami Kazuki ng Japan na nagkasya sa silver, habang nagtala si Luke Whitehouse ng Great Britain ng 13.966 para sa bronze.
Sa World Cup’s leg sa Cottbus, Germany, si Yulo ay tumapos sa 20th sa floor exercise. subalit nagwagi siya ng bronze sa parallel bars mula sa naturang leg.
Sasabak din si Yulo sa parallel bars at vault finals sa Doha leg.
Ang World Cup Series ay susunod na gaganapin sa Baku, Azerbaijan sa March 9-12, bago ito magtungo sa Cairo, Egypt sa April 27-30.