PHNOM PENH— Sisimulan ni Carlos Yulo at ng Philippine national men’s artistic gymnastics team ang kanilang kampanya sa 32nd Southeast Asian Games ngayong Lunes sa National Olympic Stadium Marquee Tent.
Si Yulo, kasama sina Juancho Miguel Besana, Ace de Leon, Jhon Santillan at Jan Timbang, ay magtatangka sa podium finishes sa men’s individual at team allaround simula sa alas-10 ng umaga (11 a.m. sa Manila).
Noong nakaraang taon ay kinuha ni Yulo, isang twotime world champion, ang men’s all-around title at ang silver sa team all-around kasama sina Cruz, Besana, De Leon, Timbang at John Matthew Vergara.
Gsyunman, hindi tulad sa SEA Games noong nakaraang taon, ang non-Cambodian gymnasts ay maaari lamang lumahok sa hanggang dalawang apparatus, nangangahulugan ang isang gymnast ay maaari lamang magwagi ng hanggang apat na gold medals, kabilang ang individual at team all-around medals.
Ang individual apparatus finals ay nakatakda sa Martes, May 9.
Sa two-hour evaluation ng national team sa Rizal Memorial Sports Complex noong nakaraang May 2, sinabi ni Yulo na gagawin niya ang lahat sa kumpetisyon.
“It is still a competition. I want to show what I can do in gymnastics even if I don’t end up winning everything,” sabi ni Yulo, nagwagi ng 5 gold medals at 2 silver medals noong nakaraang taon sa Hanoi.
“I want to get the top award for the individual and team all-around. We want to get that.”