YULO NAKA-BRONZE SA JAPAN GYMNASTICS TILT

carlos yulo

NAKOPO ni Filipino gymnast Carlos Yulo ang bronze sa vault event ng 53rd All Japan Senior Masters Gymnastics Championships sa Takasaki, Japan noong Miyerkoles.

Ang Japan gymnastics tilt ang unang torneo ni Yulo matapos ang kanyang dalawang gold at limang silver medal finish sa  2019 Southeast Asian Games na idinaos sa bansa noong nakaraang Disyembre.

Nagsalo sina Yulo at hometown bet Kenzo Shirai sa third place honors kung saan kapwa sila tumapos na may 14.733 points. Kapwa nakuha nina 2016 Rio Olympics bronze medalist Wataru Kanigawa atKeisuke Asato ang gold medal makaraang umiskor ng 14.900 points.

Sa vault event lamang nagkaroon ng tsansa ang 20-year old Filipino gymnast kung saan nagkumahog siya sa iba pang events.

Nabigo si Yulo na depensahan ang kanyang titulo sa floor exercise event kahit matapos na pumuwesto sa 19th na may iskor na 13.966 points. Nadominahan din niya ang parehong  event sa World Artistic Gymnastics Championships noong nakaraang taon kung saan niya pormal na nakuha ang isang puwesto sa Tokyo Olympics.

Bigo rin si Yulo sa  pommel horse (12.900), still rings (14.100), parallel bars (14.066) at horizontal bar (13.633).

Sa kanyang performances, si Yulo ay tumapos sa 12th place sa all-around na may 83.398 points.

Si Yulo ay kasalukuyang nasa Japan para sa training kasama ang kanyang  coach na si Munehiro Kugimiya.

Isa siya sa apat na Pinoy na nagkuwalipika sa Tokyo Olympics, kasama sina pole vaulter EJ Obiena at  boxers Eumir Felix Marcial at  Irish Magno.

Comments are closed.