LALAHOK si Filipino Olympian at gymnast Carlos Yulo sa dalawang international competitions bago ang 2024 Paris Olympics.
Si Yulo ay sasabak sa April 17 sa Qatar at sa Mayo sa Uzbekistan.
“Gusto ko po i-try nang i-try ‘yung nerves ko sa competition,” ayon kay Yulo.
“Gusto ko magkamali nang magkamali sa competitions na ‘to para alam ko ang ia-adjust ko sa Olympics.”
Nauna nang lumahok si Yulo noong Marso sa FIG Apparatus World Cup sa Baku, Azerbaijan kung saan nagwagi siya ng bronze medal.
“Ang dami ko pong realization or pagkukulang na nasilip kaya minark ko po ‘yun talaga,” sabi pa ni Yulo.
Ito na ang ikalawang Olympic stint ni Yulo makaraan ang kanyang debut sa Tokyo noong 2021.