SI CARLOS Yulo na ngayon ang world’s No. 1 sa men’s floor exercise, ayon sa artistic gymnastics world rankings ng International Gymnastics Federation (FIG).
Si Yulo, nagwagi ng dalawang bronze medals sa All-Japan Gymnastics Championship sa Takasaki Arena noong Disyembre 13, ay nakalikom ng 70 points.
Nakasalo niya sa karangalan si Rayderley Zapata ng Spain, habang nasa ikatlong puwesto si Kirill Prokopev ng Russia na may 64 points.
Si Yulo ay isa sa apat na Filipino athletes na sasabak sa Tokyo Olympics sa 2021. Ang tatlong iba pa ay sina pole vaulter EJ Obiena at boxers Eumir Marcial at Irish Magno.
Comments are closed.