NUEVA VIZCAYA –Isang kawani ng local executives sa bayan ng Bayombong ang walang awang binugbog at pagpapaluin ng baseball bat ng hindi pa nakikilalang dalawang kalalakihan at hindi pa nasiyahan ang dalawang suspek ay pinagsasaksak pa ang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Kinilala ang biktima na si Versalito John Cabalonga Cacheo, 35, contractual employee ng General Service Office (LGU) Bayombong, habang ang dalawang suspek ay kasalukuyang kinikilala sa kuha ng CCTV camera.
Ayon kay SPO1 Milver Villanueva, imbestigador ng Bayombong Police Station, habang ang biktimang si Cahero ay nasa isang burger stand kasama si Alfredo Danguilan na isa ring empleyado ng LGU Bayombong ay may dumating na isang lalaki na lulan ng motor na walang muffler at maingay ito.
Kayat pinagsabihan ng biktima ang suspek na ikinagalit naman nito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na kung saan ay umalis ang suspek at ilang minuto lamang ay bumalik ito na may kasama at pinagtulungang bugbugin si Cachero na maliban sa mga saksak sa katawan ay nagtamo din ito ng mga palo ng baseball bat sanhi upang masawi ang biktima.
Habang ang kasama ng biktima na si Danguilan ay nakatakbo dahil sa takot na baka pati siya ay bugbugin.
Maglalabas na ng cartographic sketch ang pulisya ano mang oras mula ngayon matapos makita ang malinaw na kuha ng CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen. IRENE GONAZALES
Comments are closed.