BAGUIO CITY – ISA na namang kaso ng pagkamatay ng isang 4th class Philippine Military Academy cadet ang iniimbestigahan ng Baguio City Police matapos ang ulat na pagkalunod umano ng kadete sa loob ng Fort Del Pilar.
Kinumpirma ng pamunuan ng PMA ang pagkamatay ni Mario Telan Jr., isang 4th class cadet ng Alpha Company ng Cadet Corps ng Armed Forces of the Philippines at tubong Divisoria, Enrile, Cagayan na umano’y nalunod sa campus swimming pool.
Sa imbestigasyon, kumakain ang mga kadete nang mapuna na may kulang na isang kadete at dakong ala-1:20 ng hapon ay pinaghanap na ng mga upper classmen ang kadete.
Nakita ang mga gamit ng biktima sa Jurado Hall sa loob ng comfort room ng swimming pool.
Matapos ang isang oras, nakita ang kadete sa sa malalim na bahagi ng swimming pool bandang alas-2:44 ng hapon at agad na itinakbo sa Fort del Pilar Station Hospital subalit idineklarang dead on arrival. VERLIN RUIZ
Comments are closed.