HINIMOK ng isang kongresista ang mga employer na maagang ibigay ang 13th month pay at Christ mas bonus ng mga empleyado.
Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, makatutulong ito sa mga manggagawa para maagang ma-budget ang mga bibilhin para sa Pasko at Bagong Taon.
Paliwanag ng mambabatas, karaniwang tumataas ang mga bilihin tuwing papalapit na ang holiday season.
Bukod dito, napakaliit lamang din, aniya, ng P25 na idinagdag sa arawang sahod ng mga empleyado sa Metro Manila.
Sinabi ni Castelo na kung maibibigay ng mas maaga ng mga employer ang 13th month pay at Christmas bonus, maliligtas ang publiko sa napakalaking ‘inconvenience’ dulot ng Christmas rush.
Batid ng mambabatas na karamihan sa mga employer ay hinihintay pa ang buwan ng Disyembre bago magbigay ng mga benepisyo sa mga empleyado. CONDE BATAC
Comments are closed.