NAGTALA ang foreign portfolio investment ng net inflow na $15.02 million noong Hulyo, isang reversal mula sa $35.72 million na net outflow noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang foreign portfolio investment ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.
Ayon sa central bank, ang net hot money inflow ay sa likod ng better-than-expected inflation data noong Hunyo na sinamahan ng pagbagal ng domestic inflation sa second quarter ng 2019 at ng pagtaya sa paglakas ng piso kontra dolyar.
Ang gross inflows ay may kabuuang $1.680 billion, mas mataas sa gross outflows na $1.665 billion.
Malaking bahagi o 76.5% ng foreign portfolio investments ay inilagay sa Philippine Stock Exchange-listed securities, karamihan ay mga bangko, holding firms, property companies, retail firms, at food, beverage and tobacco companies.
Ang nalalabing 23.5% ay ipinuhunan sa peso government securities.
Ang United Kingdom, Hong Kong, United States, Norway, at Malaysia ang top five investor countries, na may combined share-to-total na 75.6%.
Comments are closed.