PINAYAGAN ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng matrikula ang 170 pribadong paaralan sa Metro Manila.
Ipinaliwanag ni DepEd NCR Director Wilfredo Cabral na bago nagbaba ng desisyon, sumailalim muna sa masusing pag-aaral ang kahilingan ng mga pribadong paaralan na makapagtaas ng matrikula.
Pumayag ang DepEd sa 15 porsiyento na tuition increase.
Ang 70 porsiyento ng dagdag na matrikula ay dapat mapunta sa dagdag sahod at benipisyo ng mga empleyado ng paaralan habang 20 porsiyento ay para sa modernization o pagpapaganda ng mga paaralan at sampung porsiyento lang sa kanilang kita.
Tiniyak ni Cabral na mino-monitor ng DepEd ang mga pribadong paaralan para matiyak na sinusunod ng mga ito ang naturang formula.
Apektado ng pagtataas ng matrikula ang 36 na private schools sa Maynila at 51 naman sa Quezon City. ELMA GUIDO
Comments are closed.