CAMP CRAME – BIGO na makatanggap ng mid-year bonus ang 1,988 pulis, ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.
Paliwanag ng top police official, ang mga pulis na kinasuhan at nakatanggap ng parusa na mas mataas sa reprimand ngayong taon ang hindi nakatikim ng bonus.
Kasama aniya rito ang mahigit 800 pulis na pinatawan niya ng suspensyon sa iba’t ibang administrative offenses noong siya’y nasa National Capital Region Police Office pa.
Payo naman ni PNP Chief sa mga pulis na nakatanggap ng kanilang mid-year bonus na ibigay ang pera sa kanilang mga misis.
Aniya, hindi na maitatago ng mga pulis ang pera sa kanilang mga asawa dahil diretso na ito sa kanilang ATM, kaya mas maiging gastusin nila ito sa kanilang pamilya.
Aabot sa 6 na bilyong piso ang ni-release ng PNP direkta sa mga ATM accounts ng mahigit 189,000 aktibong pulis na entitled na makatanggap ng mid-year bonus. EUNICE C
Comments are closed.