2 “KRIMINAL” NAPURUHAN, 1 PA HULI SA ENGKUWENTRO

patay

LAGUNA – PATAY ang dalawa sa tatlo umanong miyembro ng “Barok Fajardo Drug/Robbery Hold-Up Group” matapos ang pakikipag-engkwentro sa l Provincial Intelligence Branch (PIB), DEU Team at Calamba City PNP sa Sitio Majada-In Housing, Brgy. Canlubang, lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni PIB Chief PMaj. Ryan Jay Orapa kay Acting Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang napatay na sina Marlon Fajardo, alias “Badong” 35,  at isang Roberto Luis Amador, 28, pawang mga residente lungsod na ito.

Samantala, arestado si Maximo de Luna Jr. 46, tumatayomg Lupon ng Barangay, at residente ng nabanggit na lugar.

Bandang alas 3:20 ng hapon ayon sa ulat ng magkasa ng Anti-Illegal Drugs Operation (Buy Bust) si Orapa at kanyang mga tauhan habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer gamit ang halagang P1,000 ng hindi umano inaasahang mauwi ito sa isang engkuwentro.

Magkasunod na binawian ng buhay sa loob ng kanilang sasakyan na kulay puting sedan may plakang ADR – 881 sina Fajardo at Amador bunsod ng tinamong tama ng bala sa kanilang ulo at katawan. DICK GARAY

Comments are closed.