2 MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYAH BULAGTA SA ENCOUNTER

Encounter

MAGUINDANAO – NASAWI ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah matapos makaengkuwentro ng Joint Task Force Central sa Barangay Salman, Ampatuan noong Lunes.

Sa report ng AFP-Western Mindanao Command, nagsasagawa ng surgical operations ang JTF Central sa lugar nang makaharap ang hindi matukoy na bilang ng armadong grupo na nasa ilalim ng pamumuno ni Salahudin Hassan.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang sniper rifle, isang M14 rifle at mga pampasabog.

Samantala, iniulat din ng WESTMINCOM  na isang sundalo ang patay at isa ang  sugatan sa engkuwentro.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng mga militar sa tumakas na mga terorista.

Nagpapagaling naman ang sugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital. REA SARMIENTO

Comments are closed.