2 NADALE SA ROAD MISHAP

road mishap

ISABELA – DALAWA ang nasawi matapos na bumangga ang kanilang sasakyan na may plakang TJB-168 sa kasalubong na Victory Liner Bus na may plakang AAU-7320 habang kasagsagan ng malakas na ulan dakong alas-9:45  ng gabi sa Barangay Maligaya, Ipil, Echague.

Kinilala ni P/Major Andy P. Orilla, hepe ng Echague Police Sation ang dalawang biktima na sina Dominic Feliciano, 44, self employed, residente ng Maligaya, Echague, Isabela at si Aljon Ocampo, binata, laborer at residente ng Malitao, Echague.

Habang ang driver ng nasabing bus ay si Herman Gumban, 41, residente ng Macate, Bambang, Nueva Vizcaya na nakakulong na sa lock up cell ng Echague Police Station

Ayon sa driver ng bus na si Gumban, na habang malakas ang buhos ng ulan dakong 9:45 ng gabi ay bumangga sa kanyang minamanehong bus ang kotse na nag-overtake sa sinusundang tricycle.

Sinikap niya umanong iwasan ang kotse ngunit bumangga pa rin ito sa bus dahil sa mabilis na takbo nito.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng malalang pinsala ang sasakyan na sanhi rin ng malubhang sugat na tinamo ng dalawang sakay nito.

Sinabi ni Gumban na dahil hindi naman mabilis ang kanyang pagpapatakbo sa bus ay walang nasaktan sa kanyang mga pasahero. IRENE GONZALES

Comments are closed.