Iskedyul sa Sabado:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – Cheerdance Competition
Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – NU vs UE (Men)
4 p.m. – FEU vs DLSU (Men)
NAG-INIT ang University of the Philippines mula sa umpisa at kumarera sa 97-81 panalo laban sa La Salle upang wakasan ang 21-year Final Four drought sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Sa pagsalpak ni Juan Gomez de Liaño ng apat sa pitong triples ng kanyang koponan sa first half, naitala ng Fighting Maroons ang 52-29 kala-mangan sa break at hindi na lumingon pa upang magtapos sa ikatlong puwesto sa eliminations na may 8-4 kartada.
Nagpapainit para sa matinding bakbakan sa Final Four, nakumpleto ng defending champion Ateneo ang seven-game sweep sa second round sa pamamagitan ng 102-62 paglampaso sa CJ Cansino-less University of Santo Tomas.
Tinapos ng Blue Eagles ang eliminations na may league-best 12-2 record at maghihintay pa sa kanilang makakalaban sa semifinals.
“Definitely, we can’t afford to relax. All the Final Four teams are strong and they will go through crucial games that will sharpen them furthermore,” wika ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.
Hindi lamang nakuha ng UP ang third spot dahil sa superior quotient at naipuwersa ang Final Four duel sa twice-to-beat Adamson, kundi naiwasan din nito ang potential knockout match sa Far Eastern University para sa huling puwesto.
Bumagsak ang Green Archers, natalo ng dalawang sunod, sa 8-6, at hihintayin ang resulta ng final elimination match-up sa Linggo sa pagitan ng Tamaraws (7-6) at Falcons para malaman ang kanilang kapalaran.
Ang panalo ng Adamson ay magpapataksik sa FEU sa Final Four race, at magbibigay sa La Salle ng huling semis birth. Ang panalo naman ng Tamaraws laban sa Falcons ay magpupuwersa ng playoff sa Archers para sa nalalabing Final Four berth.
Iskor:
Unang laro:
Ateneo (102) – Kouame 22, Navarro 17, Mendoza 9, Andrade 9, Go 8, Ravena 6, Asistio 6, Nieto Ma. 5, Nieto Mi. 5, Black 4, Verano 4, Daves 4, Belangel 3, Wong 0, Tio 0, Mamuyac 0.
UST (62) – Subido 18, Agustin 15, Marcos 13, Mahinay 6, Huang 4, Lee 2, Ando 2, Cosejo 2, Bataller 0, Zamora 0, Bonleon 0, Caunan 0.
QS: 34-13, 58-31, 83-42, 102-62
Ikalawang laro:
UP (97) – Ju. Gomez de Liaño 27, Ja. Gomez de Liaño 19, Akhuetie 16, Desiderio 10, Manzo 6, Jaboneta 5, Dario 5, Tungcab 3, Gozum 2, Lim 2, Prado 2, Murrell 0, Vito 0.
DLSU (81) – Baltazar 22, Melecio 19, Caracut 12, Samuel 8, Santillan 6, Montalbo 5, Serrano 5, Bates 2, Manuel 2, Dyke 0.
QS: 25-17, 52-29, 75-54, 97-81
Comments are closed.