(3.73M noong Mayo) JOBLESS NA PINOY NABAWASAN

PSA-2

BUMABA ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Mayo sa unti-unting pagluluwag ng quarantine restrictions, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang virtual press conference, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate ay nasa  7.7% noong Mayo, mas mababa sa 8.7% na naitala noong Abril.

Ang 7.7% unemployment rate ay katumbas ng 3.73 million adult Filipinos — 15 years old and above — na walang hanapbuhay, mas mababa sa 4.14 million jobless individuals noong Abril.

Sa datos ng PSA, ang unemployment rate noong Mayo 2021ang second lowest na naitala ngayong taon, sumusunod sa 7.1% noong Marso.

Naitala naman ang employment rate sa 92.3% o 44.72 million noong Mayo, mas mataas ng 1.45 million kumpara sa 43.27 million noong Abril.

Sinabi ni Mapa na ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho noong Mayo ay dahil sa pagluluwag sa quarantine restrictions.

Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na tinatawag na NCR Plus ay isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Abril 12 hanggang Mayo 14 dahil sa surge sa coronavirus infections. Pagkatapos ay inilagay ang mga ito sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) with restrictions.

Ang ibang mga lugar sa bansa ay isinailalim naman sa iba’t ibang quarantine levels mula  MECQ, sa GCQ at modified GCQ.

Nag-ambag ang services sector ng 57.8% sa total employment noong Mayo, habang ang agriculture ay bumubuo sa 23.8% at industry, 18.4%.

“Wholesale and retail trade of motor vehicles saw the highest rise in employment figures, with 385,000 jobs added to the subsector,” ayon pa sa PSA.

Iniulat din ng PSA chief ang underemployment rate na 12.3% noong Mayo, o katumbas ng 5.49 milyong Pinoy na naghahangad ng mas mahabang work hours o mas magandang job opportunities.

“Ang nakikita namin  dito ay marami na rin, substantial na ‘yung number of persons na nagkaroon ng full-time jobs, ‘yung 40 hours, at ‘di na sila naghahanap ng trabaho,” ani Mapa, at sinabing sakop nito ang iba’t ibang sektor at worker types

2 thoughts on “(3.73M noong Mayo) JOBLESS NA PINOY NABAWASAN”

Comments are closed.