NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlo umanong big-time drug suspects kabilang ang isang babae matapos makuhanan ng mataas na kalibre ng baril at shabu sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas Fish Port Complex (NFPC) Maritime Police Station chief Supt. Marlon Kamatoy ang mga naaresto na sina Leonellie Orzal, 31, ng Shell-house, Caloocan City, Sherliy Tan, 34, ng Block 8 Lot 1 Pampano St. Malabon City at Jerwin Simon, 32, ng 52 Goldrock St. San Roque, Navotas City.
Narekober ng Maritime police kay Orzal at Tan ang dalawang cal. .45 pistols na kargado ng magazine at mga bala, isang extra magazine na kargado ng mga bala at anim na transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu habang nakuha naman kay Simon ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Ernesto Ravanera, Jr., alas-8:05 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang desk officer ng Maritime police mula sa concerned citizen hinggil sa tatlong suspek na sinasabing magbabagsak ng ilegal na droga sa squatters area sa Market 3, NFPC, habang armado ang mga ito ng mga baril.
Mabilis na rumesponde sa naturang lugar sina SPO2 Manny Vidal, SPO2 Antonio Verzo, Jr., PO3 Jacinto Gammad, Jr., PO3 Oldarico Quinabato, Jr at lima pang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. VICK TANES
Comments are closed.