3 NADALE SA ROAD MISHAP SA BAGUIO CITY

CAR ACCIDENT

BENGUET – DEAD on the spot ang tatlong sakay ng isang passenger jeep nang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa Suello Village,  sa Lungsod ng Baguio noong Martes ng umaga.

Hindi kaagad nakuha ang panglan ng mga nasawi na kasama ng 17 iba pa na itinakbo sa iba’t ibang pagamutan na pawang supporters ng isang local candidates.

Napag-alamang ga­ling ng Marcos Highway ang jeep at may sakay na mga volunteer campaigner.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nawalan ng preno ang jeep kaya’t nawalan ng control sa manibela ang driver hanggang  dumausdos sa matarik na kalsada.

Ayon sa Baguio City Police Office, maaaring hindi nakontrol ng dri­ver ang kanyang minamaneho  dahil matalim na kurbada ang tinatahak nito hanggang sa maganap ang malakas na impact.

Hinihinalang sad­yang ibinangga ang jeep sa isang barrier dahilan upang bumaligtad ito.

Agad na itinakbo ng mga rumesponde  ang mga sugatan kasama na ang driver ng jeep. VERLIN RUIZ

Comments are closed.