NUEVA ECIJA – NAPATAY ang tatlong rebeldeng New People Army (NPA) matapos makasagupa ang mga awtoridad na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa Barangay San Alejandro, Quezon, Nueva Ecija.
Base sa pahayag ni Philippine Army, 84th Infantry Batallion Commander Lt.Col. Honorato Pascual, nakatanggap ng impormasyon ang militar kaugnay sa presensiya ng tatlong rebelde sa nasabing lugar kung saan isa sa mga ito ay may warrant of arrest kaya isinagawa ang operasyon.
Isisilbi sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban kay Nicomendez Ortiz na leader ng Special Partisan Unit (SPARU) at finance officer din ng Kilusang Larangang Guerilla Sierra Madre KLLGSM) na may kasong rebellion at murder.
Subalit naganap ang bakbakan matapos kumasa ang tatlong rebelde kung saan napatay sina Bernardino Liberato ng Sto.Tomas. Quezon, Merlita Ogalinola ng Cabiao, Nueva Ecija at si Ortiz.
Narekober sa encounter site ang cal. 45 pistol;cal. 9MM pistol, mga bala; Carbin; isang granada at mga subersibong dokumento. ROEL TARAYAO
Comments are closed.