BULACAN – PATAY ang tatlong drug pusher makaraang makipag-engkuwentro sa mga pulis sa magkakahiwalay na buy bust operation habang walo pa ang nadakip sa lalawigan.
Sa report ni PNP Provincial Director P/Col.Chito Bersaluna kinilala ang napatay na si Justin Sy y Irinco at Jonathan Anonuevo sa siyudad ng San Jose del Monte at isang Ferdinand Villar, 40-anyos, alyas longhair ng Brgy. Maasim, San Ildefonso.
Sa report ni P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., naganap ang palitan ng putok sa Blk 49, Lot 24, Area 1, Nuvista Subv., Brgy. Sto. Cristo, ganap na alas-7:45 ng gabi.
Narekober sa dalawa ang isang improvised shot gun, at 7plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Ayon naman kay P/Lt. Col. Voltaire C. Rivera, si Inducil ay kabilang sa listahan ng PDEA.
Nakuha ng Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng krimen ang isang cal. 22 revolver at 9 palstic sachet ng shabu.
Habang nadakip din sa Oplan Sita ng mga pulis ang 7 katao mula sa bayan ng Hagonoy, Bocaue at Malolos City.
Nakuha mula sa kanila ang 7 plastic sachet ng shabu at tatlong plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Samantala, nadakip din ng Pandi-PNP at CIDG-Quezon City ang isang wanted person sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas nina presiding Judge Ace Mariano ng MTC-NCJR branch 43 ng Quezon City sa kasong Art 179 ng RPC at Sec. 5(a) RA 9262 at ni Judge Ma. Rita A. Basco ng Branch 99 RTC-NCJR.
Kinilala ang suspek na si Felix Mallupa Y Austria, 50-anyos, brgy. tanod, ng Phase 3, Brgy. Mapulang Lupa, Pandi. THONY ARCENAL
Comments are closed.