4 NA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA PARA SA IYONG NEGOSYO

homer nievera

SA bilis ng paggalaw sa teknolohiya, ang anumang negosyo na unang makagamit nang maayos sa mga ito ay tiyak na makauungos.

Alamin natin kung ano ang apat na teknolohiyang kayang iangat pa ang iyong negosyo sa mga darating na taon:

#1 AI o Artificial Intelligence

Ano nga ba ang teknolohiyang ito na parehong kinagigiliwan at kinatatakutan? Ang AI ay naganap sa paglago ng tinatawag na Big Data kung saan ang malalaki at malalawak na datos ay nailalagak sa malalaking kompyuter o servers na siyang naisasaayos upang ma­gamit sa paggalaw ng mga makina tulad ng robot. Ang AI ay nagagamit ngayon sa industriya ng BPO kung saan halos 80% daw ang bilis at galing nito sa pagsara ng sales kaysa tao.

#2 Big Data

Ang sikreto sa Big Data ay ang pagkolekta ng mga datos sa kasalukuyang panahon. Kung mahuli ka dito, magsisimula ka sa umpisa at matatagalan bago may mga datos kang magamit. Kaya naman mas mainam na gumamit ng mga Data Scientist para maisaayos ang mga malalaking datos na ‘di na kayang ma-analisa ng isang tao lang.

#3 Marketing Automation

Sa paggamit ng Marketing Automation ay ang makabagong paraan sa pag-market. Kung hanggang ngayon ay paisa-isa ang pagpapadala mo ng email, may problema kayo. Lalo na kung ginagawa pa ito ng mga tauhan mo. Dahil sa marketing automation, isang beses ka lang gagawa ng pagsulat o content, at mula sa pagpapadala nito sa social media hanggang sa pagkuha ng mga datos ay isang pindo na lang lahat.

#4 Blockchain

Di lang sa Bitcoin nagagamit ang Blockchain. Ang teknolohiyang ito ay magagamit na sa maraming industriya lalo pa’t matindi ang seguridad na meron ito. Sa paggamit nito sa pinansiyal na paraan, ang Blockchain ay lantad or transparent, kung saan nakalista sa pampublikong ledger ang bawat transaksiyon na ‘di kayang magalaw o madaya ninuman.

Saliksiking mabuti at kaagad ang mga teknolohiyang ito para umungos ang iyong negosyo at manalo sa industriyang kinabibilangan mo.

oOo

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanu­ngan, magpadala ng mensahe [email protected] o hana-pin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Comments are closed.