UMAABOT na sa 45 toneladang basura ang nahakot na sa isinasagawang clean up drive sa Manila Bay.
Ayon sa mga residente, unti-unti nang nagkakaroon ng improvement ang amoy ng Manila Bay matapos unti-unting makolekta ang mga basura.
Matatandaang Linggo nang simulan ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ilang establisimiyento rin ang ipinasara matapos mapatunayang nagtatapon ng dumi sa Manila Bay.
Una nang isinara ang Manila Zoo matapos mapatunayang nagtatapon ito ng dumi sa nasabing katubigan.
Comments are closed.