UMAABOT na sa halos limang milyong kilo ng basura ang nakuha sa pagsisimula ng rehabilitasyon sa Manila Bay nitong Enero 27.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na bagama’t mas malinis na ang dagat ngayon, hindi pa rin ito ligtas para languyan ng mga mamamayan na sabik lumusok sa look.
Dapat munang maisara ang mga kompanya na nagtatapon ng dumi sa mga kanal na dumidiretso sa Manila Bay, dagdag ni Año.
Sinisimulan na rin ang proseso para mailipat ang mga informal settler sa paligid ng Manila Bay na itinuturong may malaking ambag sa mga basura.
Matatandaang ipinag-utos na rin ng DILG sa 178 lokal na pamahalaan na tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay. NENET V.
Comments are closed.