5 NASAKOTE SA BUY BUST OPERATION

arestado

QUEZON CITY – SAKOTE ang lima katao kabilang na ang isang babae na pawang hinihinalang drug suspect sa buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Nagkaisang Nayon, sa Novaliches.

Sa report na isinumite ni P/Captain Dennis Francisco, hepe ng Station Drug Enforcement Unit [SDEU] kay P/Lt. Colonel Rossel Cejas, Quezon City Police District [QCPD] PS-4 Commander, ang mga nasakote ay nakilalang sina Columbus Domingo Creselcio, alyas Boyet, 57, may asawa at nakatira sa 74 Saint Luke St., San Paulo Subdivision, Nagkaisang Nayon; Augusto Laganzo Rodriguez, 49, ng 15 San Paulo Subd; Rodelio Palacios Pellazo alyas Rodel, 46, ng 74 Dona Rosario, Brgy Novaliches Proper; John Hondrado Cerma ng Brgy. Sauyo; at ang nag iisang babae na si Rosalie Seva Creselcio ng Brgy. Nagkaisang Nayon.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng imbestigador na may hawak ng kaso na si P/Cpl. John Angelo Lopez, halos isang linggo rin nilang sinubaybayan ang mga suspek at ng madiskubre nilang tama ang kanilang natanggap na impormasyon ay agad silang nakipag-ugnayan sa PDEA na nakabase sa Lungsod ng Quezon.

Agad nilang ikinasa ang naturang operasyon na naganap dakong alas-2 ng madaling araw sa bahay ni Columbus Creselcio, ng pumasok ang kanilang ginamit na buyer at positibong nakabili ng hinihinalang shabu sa mga suspek. EVELYN GARCIA

Comments are closed.