7 SA 10 PINOY LOVE PA RIN SI DIGONG

MAJORITY pa rin ng mga Filipino ang nasisiyahan sa pagganap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang tungkulin ayon sa  pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) para sa unang quarter ng taong 2019.

Base sa isinagawang first quarter survey ng SWS, lumilitaw na +66 ang nakuhang satisfaction rating ng Pangulo na nasa kategoryang ‘very good’ para sa unang tatlong buwan ng 2019.

Lumilitaw rin na mas mataaas ito ng anim na puntos sa kanyang naita­lang +60 satisfaction rating noong December 2018.

Ang survey ay isinagawa noong Marso 28 hanggang 31 kung saan 79 porsiyento ng mga Filipino adult  ang nagsabing sila ay satisfied o nasisiyahan sa pagganap ng presidente sa tungkulin.

Mas kaunti naman ang nagsabing sila ay dissatisfied o hindi nasisiyahan sa 13 percent para maitala ang net satisfaction rating na +66.

Samantala, nasa walong porsiyento naman ang undecided o hindi tiyak kung sila ay nasisiyahan o hindi.

Pinakamataas ang satisfaction rating ni Duterte sa Mindanao sa +88 na ‘excellent’, habang very good sa Visayas, Metro Manila at Balance Luzon na may tig-+69, +61 at +56.

Ang +66 net score ng pangulo ay tumapat sa kanyang personal high rating na naitala noong Hunyo 2017.

Isinagawa ng SWS ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.

Kakaunti rin ang mga Filipino na  hindi satisfied sa performance ni Duterte sa 13 percent.

Ikinatuwa naman  ng Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations na nagpapakitang 79 percent sa mga Filipino ang kontento sa performance ni Pangulong Duterte.

Nakikita kasi aniya ng taumbayan ang ginagawa ng Pangulo at ang serbisyo na matapang, masipag, wa-lang sinisino at naka­focus na protektahan ang bawat Filipino at ang ba­yan.              VERLIN RUIZ

Comments are closed.