$739-M NET ‘HOT MONEY’ OUTFLOW

bangko-sentral-ng-pilipinas

NAGTALA ang foreign portfolio investment ng net outflow na $739 million noong Marso, isang turnaround mula sa net inflow na $339.57 million noong Pebrero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang foreign portfolio investment ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.

Ang inflow ay nanga­ngahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa Filipinas kaysa lumabas, habang ang outflow ay nagpapakita na mas maraming pondo ang lumabas ng bansa.

“The net ‘hot money’ outflow last month was recorded as gross outflows of $2.471 billion exceeded gross inflows of $1.732 billion,” ayon sa central bank.

Ang karamihan o 66.5 percent ng foreign portfolio investments na naitala sa nabanggit na buwan ay nasa Philippine Stock Ex-change-listed securities sa  holding firms, food, beverage and tobacco companies, property firms, banks, at transportation services companies.

Ang nalalabing 33.4 percent ay napunta sa peso government securities, habang ang 0.1 percent balance ay sa Unit Investment Trust Funds.

Ang top five investor countries para sa buwan ay ang United Kingdom, US, Singapore, Luxembourg, at Hong Kong, na may combined share-to-total na  80.3 percent.

Comments are closed.