$750-M NET ‘HOT MONEY’ OUTFLOW

BSP-11

NAGTALA ang foreign portfolio investment ng net outflow na $750 million noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kilala rin bilang ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado, ang gross outflows na $2 billion noong nakaraang buwan ay mas mataas sa gross inflows na $1.2 billion.

Ang perang inilagay sa lahat ng Philippine investment instruments ay may net outflow—$508 million sa listed securities sa Philippine Stock Exchange (PSE), $241 million sa peso-denominated government securities at mababa sa $1 million sa bawat iba pang peso-denominated debt instruments o portfolio instruments

Ang gross inflows ay tumaas ng 25 percent mula sa $990 million noong nakaraang buwan.

“This may be attributed to investor reaction to lower inflation last April amid the holding of the country’s midterm elections and the BSP’s announcement to cut the reserve requirements ratio of universal and commercial banks,” ayon sa central bank.

May 81.5 percent ng investments na nakarehistro sa nasabing buwan ay nasa PSE-listed securities (pangunahing tumutukoy sa holding firms, property companies, banks, food, beverage and tobacco companies, at transportation services firms); habang ang nalalabing 18.5 percent ay napunta sa Peso GS.   PNA

Comments are closed.