82% NG PINOY OK SA DRUG WAR NI DUTERTE

drug war - panelo

IKINAGALAK ng Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsa­sabing 82 porsiyento sa mga Filipino ang kuntento sa drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, sampal ito sa mga kritiko o mga outsider critics na walang ibang ginawa kundi ang bumatikos.

“We further note that this excellent satisfaction rating on the government’s campaign against prohibited narcotics remains unchanged from the pre-election survey taken last March 2019 on the afpresaid issue,” pahayag  ni Panelo.

Ayon dito, nagsalita na ang taumbayan at nararamdaman na nila ang pagbabagong itinataguyod ng liderato ng administrasyong Duterte.

“This once again a loud and clear repudiation of the incorrigible opposition and vocal detractors of the President and his administration who continue to spread lies and taint the reputation of the current government,” giit pa ni Panelo.

Ang resulta aniya ng nabanggit na survey ay malaking sampal sa mga bansa na nakikialam sa soberanya ng Filipinas na nagkukunwaring nababahala sa kapakanan ng mga Filipino.

Sinabi ni Panelo na  matapos ang mahigit tatlong taon na pamumuno ni Pangulong Duterte ay nananatiling matatag ang sentimiyento ng sambayanan na kumikilala sa mga accomplishment ng pamahalaan tungo sa mas ligtas at maunlad na bansa. EVELYN QUIROZ