SA kaagahan ng taon ay nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa system operator National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na paikliin ang approval timeline nito para sa system impact study (SIS) sa power projects na binubuo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa isang development na nalathala sa BusinessMirror kamakailan, titiyakin ng DOE na mapoproseso ng NGCP sa loob ng 60 araw ang mga aplikasyon para sa pagsasagawa ng SIS nang sa gayon ay matapos sa tamang oras ang konstruksiyon ng proposed power projects.
Ang SIS ay isang assessment na isinasagawa ng Transmission Network Provider o System Operator bilang karagdagan sa Grid Impact Studies. Mahalaga ang SIS upang matukoy ang kasapatan ng transmission grid at ng kakayahan nito na i-accommodate ang kahilingan para sa power delivery service.
Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, ang NGCP ay inaabot ng mahigit isang taon para iproseso ang SIS applications. Aniya, nagrereklamo na ang power firms sa pagkakaantala, “mula isa’t kalahating taon hanggang dalawang taon sa SIS pa lamang,” sa approval process.
“These are the things that we want to be able to address so that renewable energy (RE) developers will be able to focus on the rollout of their projects,” aniya.
“Transmission is key. So, we need to improve on the system impact studies because these have to be addressed upfront rather than later. The SIS, unfortunately, is rather delayed.”
Ayon kay Lotilla, kumikilos na ang Malacañang upang matiyak na ang transmission lines at mga kaugnay na imprastraktura, gayundin ang SIS, ay isinasagawa sa bilis na kinakailangan ng power needs ng bansa.
“The executive secretary (ES) is chairing this one so by the next … we will be looking at how the transmission concessionaire, NGCP, is going to specify the 60-day requirement for approval of just the SISs.
“That’s why the ES as chair has scheduled the next meeting of the EVOSS (Energy Virtual One-Stop System) steering committee to deal with this issue on the system impact study,” sabi pa niya.
Hindi pa nagbibigay ng komento ang NGCP, ngunit dati nitong sinabi na ang listahan ng SIS applications ay nirerepaso dahil hindi lahat ay mga seryosong aplikante.
Inamin ito ni Lotilla. “[Of those] who have applied for a system impact study, only less than 50 percent actually carry out their projects. So that means that all the others who have applied and did not carry out their projects had gotten in the way.”
Gayunman ay ipinaliwanag ni Lotilla na hindi ito dapat gawing dahilan sa pagkakaantala.
“But there should be a way of purging the list. Even other agencies have a way of cleaning up the list that if you don’t implement your project within a certain number of days, you get replaced.”
Sinabi ng energy chief na dapat humanap ng paraan ang NGCP upang mapabilis ang review process.
“There could be a process, but what I’m saying is, if the intention is to facilitate, then they could have easily raised these things. I want to stress that we want to work with the private sector and we want to work in a more efficient and effective way and so this process is intended precisely to achieve that,” ani Lotilla.
Ang NGCP ang may nag-iisa at eksklusibong concession at franchise sa pagpapatakbo sa transmission network ng bansa.
Nangako ang grid operator na gagamitin ang lahat ng available resources tungo sa pagkumoleto sa mga isinasagawang transmission projects.