ABOGADO NILIKIDA

pinagbabaril

PALAWAN- KINONDENA ng Integrated Bar of the Philippines ang ginawang paglikida sa isa nilang miyembro na guro rin sa Palawan State University at partner sa TMG Law Palawan kahapon ng umaga.

Sa inisyal  na ulat, patungo  sa korte ang biktimang si Atty. Eric Magcamit para dumalo sa court hearing sa bayan ng Quezon nang harangin at ratratin ng mga hindi kilalang lalaki ang sasakyan nito sa bahagi ng Brgy. Malinao, bayan ng Narra ng nasabing lalawigan.

Napag-alaman na si Atty Magamit ang tumatayong abogado sa Palawan provincial legal office at legal researcher sa House of Representatives. VERLIN RUIZ

Comments are closed.