AI AI DELAS ALAS MISMONG KAIBIGAN PA ANG NAM-BULLY SA KANYA

IPINAGTAPAT  ni Ai Ai delas Alas na mula pa noong pasukin niya ang showbiz ayhotshots  biktima  na siya ng bullying.

Ang pinakamasakit raw ay nanggaling pa sa mga itinuturing niyang mga kaibigan ang pambu-bully.

Lahat ng mga ito ay kanyang tinanggap kahit na masakit at ang pananalig niya sa Panginoon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

“Nanalig lang ako sa Panginoon na alam ko na hindi niya ako papabayaan. Minsan kasi binibigyan niya tayo ng mga bagay na siya lang ang nakakaalam at nakakaintindi. Maging negative man o positive, blessing iyon sa ating lahat.

“Darating po ang panahon na `yong negative na `yon magiging positive  sa buhay natin. Itong lahat na nangyayari  sa buhay ko, ini-enjoy ko lang  ito. Gift ni Lord sa akin ito. Ito ang extension ng career ko for so many years.

“God is so good kasi hanggang ngayon marami pa rin akong project at pelikula. Dun ko na-realize nu’ng marami akong akong ginagawang pelikula ngayong taon na ito, nakakatuwa rin yung mga naaalok  na projects sa akin  is  iba-iba `yung character ko.

“Huwag na nating pa­ngalanan ang mga taong iyon na naging bully sa atin. Pinagdarasal ko na lang sila na maging maa­yos pa rin ang buhay nila.”

Samantala, natawa at dinedma na lang ni Ai Ai ang nilalaman  ng kanta ng dating mina-manage niyang grupong Ex-Battalion na title ay “Pakinabang.”

Ang nilalaman kasi ng kanta ay tungkol sa mga taong kapag napakinabangan na ng isang tao ay itinatapon na lang.

Ayon sa Comedy Queen, huwag na lang daw pansinin at naging mapayapa naman ang buhay niya at nawalan ng sakit ng ulo.

AGA MUHLACH GOLDEN BOY NA; MARIAN RIVERA 35 NA

DINAGSA ng birthday greeting sina Aga Muhlach at Marian Rivera kamakailan.Aga and Marian

Si Aga ay isang golden boy na, 50 years old, at si Marian ay 35 years old na.

“Happy birthday my love, my best friend my husband. You are the best. I love you so much. Celebration time Happy Birthday again,” ang greeting ni Charlene Gonzales sa kanyang mister na nagsisimula nang mag-shooting ng Miracle in Cell No.7 na entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2019 sa December.

Si Lea Salonga na paboritong leading lady ni Aga ay ini-upload ang larawan ni Aga at anak niyang si Nic bilang pagbati sa kaibigang actor.

“Happy birthday, Tito Aga!!! – Nic.

I can remember what was happening or what these two were talking about, but it looked like fun.

“Happy 50th my friend!!! May it be beautiful day, wherever you are!”

Nag-upload naman ang mga kaibigan ni Marian ng birthday greeting sa kanya at nag-party sila na kung saan kasama ang mga close friends nila ng husband na si Dingdong Dantes.