ALDUB NATION NAKA-ONE MILLION TWEETS ANG HASHTAG PARA SA KANILANG IDOLO

aldub

ONE BILLION tweets!

Yes! Congratulations sa AlDub Nation (ADN), ang fandom ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.  Hindi sila talaga nagpatalo simula nang i-post nila calling for a one billionshowbiz eye tweets na gagamitin nila ay everyday hashtag nina Alden at Maine.

Any event ng dalawa, lagi itong may ALDUB sa hashtag.  Kahit may solo event ang dalawa, may kasama pa ring ALDUB hashtag.

Sa pagtatanong namin kung kailan sila unang naglabas ng hashtag ng ALDUB, noong first weeksary raw ng loveteam sa Kalyeserye dated July 23, 2015.  Unang nagkita ang dalawa sa kalyeserye ng “Eat Bulaga” noong Hul­yo 16, 2015. Ang unang hashtag nila ay #AlDub 1stWeeksary.

May Official ALDUB Trendsetter sila na siyang nagbibigay ng hashtag bago 12:00 midnight na ginagamit nila from 12:01am to 11:59pm everyday.  More than one million ang tweets nila araw-araw.  Hanggang sa dumating  ang “Tamang Panahon” ng EB na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan at nakapagtala sila ng more than 41 million tweets on that day, October 24, 2015.  Hanggang sa ngayon ay wala pang nakatatalo sa kanila kaya nabigyan sila ng Guinness Book of Records ng highest tweets in a day.

Last Wednesday evening, December 12, nakaabot na ng 1 billion tweets ang AlDub hashtag na nag-coincide pa sa hashtag nila ng December 13, na #ALDUB178thWeeksary.  Binati at nagpasalamat na sina Alden at Maine sa ADN.

CDO PINAGAAN ANG SHOPPING NG MGA MISIS

MAGANDA ang naisip ng CDO na pagaanin ang pagsa-shopping ng mga misis at mga kapwa Pinoy cdonatin, ng ihahanda nila sa Kapaskuhan malapit nang dumating, sa paglalagay nila online, sa Honestbee, kung saan ma-oorder na ang kanilang mga pro­duct  na panghanda sa Noche Buena at Media Noche, sa family get-together at holiday reunions at Christmas parties.

Nag-partner ang CDO at Honestbee at puwede nang orderin sa kanila ang mga CDO favorite ninyo like Christmas Treasures, Premium Holiday Ham, Pista Ham, Jamon de Bola, Pear-Shaped Ham, Danes Chees Ball, Classic Cheese at Danes Mayo Dressing at Sweet Preserves.  Lahat ng oorderin ninyo ay personal na idi-deliver sa inyong mga tahanan, kaya less pagod at iwas pa kayo sa masikip na traffic.  Kaya click na sa Honestbee online for your orders.

DENNIS TRILLO KINILIG NANG MAPANOOD ANG INTERVIEW KAY JENNYLYN

MASAYA si Dennis Trillo na napanood ang interview sa girlfriend na si Jennylyn Mercado na nanonooddennis trillo pala ng action-drama series nila ni Dingdong Dantes na “Cain at Abel.” Natanong din kasi si Jennylyn kung hindi ba siya nagseselos sa mga intimate moment nina Dennis at ng girlfriend nito sa story na si Sanya Lopez.

“Bakit naman ako magseselos, trabaho iyon,” natatawang sagot ni Jennylyn.  “Hanga ako kay Sanya dahil ang husay niya bilang si Margaret sa story.”

May sweet moments din si Sanya kay Dingdong Dantes kaya ang suwerte ni Sanya na dalawang “hari” ng GMA ang katambal niya.

Napanonood gabi-gabi ang “Cain at Abel” after “24 Oras.”

Comments are closed.