AMA NI CATRIONA GRAY SA AUSTRALIA LIGTAS NA

NATAKOT si Catriona Gray nang malamang nasa malubhang kalagayan ang kanyang amang si Ian Gray kaya agad niya itong pinuntahan sa Australia.

Ayon sa Miss Universe 2018, isa ito sa mga nakakatakot na bahagi ng kanyang buhay. Nagpapasalamat umano siya sa Diyos na pinakinggan ang kanyang dasal, dahil akala niya talaga, may masamang mangyayari sa kanyang ama na itinuturing niyang “real-life hero” at pinakamalakas na taong nakilala niya.

“It was one of the scariest times, but we’re out of the woods now,” ayon kay Catriona. “Love you papa.”

Huling binisita ni Catriona ang kanyang mga magulang sa Australia noong May last year, kung saan nagbakasyon siya ng isang buwan. Kamakailan, binisita ng beauty queen ang kanyang first wax figure sa Singapore museum, na tinawag niyang “twin.” Si Catriona ang kauna-unahang Filipino na na-feature bilang statue sa nasabing museum.

SEX LIFE BAWAL PAG-USAPAN NINA CARMINA, CANDY, JANICE, GELLI

Matagal nang magkakaibigan sina Carmina Villaroel, Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Janice de Belen kaya naisipan nilang magkaroon ng podcast – yun nga lang wala pang title. Parang sharing lang sa mga viewers ng kanilang spontaneous conversations habang kumakain o nagkakape.

Nag-uusap sila tungkol sa kanilang personal experiences, anything under the sun – liban lang sa sex life. Hindi raw kasi ito kumportableng pag-usapan sa harap ng camera, lalo pa at may mga anak sila at mga artista rin ang kanilang mga asawa liban na lang kay Candy.

Ayon naman kay Candy na ang anak na si Quentin ay may autism, okay lang daw sa kanyang pag-usapan ang sex life pero tingin niya ay hindi ito mahalaga. Pero humahanga umano siya sa mga babaing kayang ikwento ang kanilang sex life dail matapang sila.

Sa “Wala Pa Kaming Title” podcast, pare-pareho umano silang naaaliw. Walang mali o tama, basta enjoy lang. Pero dapat din umanong maging responsible sila sa kanilang ipinalalabas dahil internet ito at kahit bata ay pwedeng manood.

Sabi pa nila, “it’s not about how much you share, but the sincerity of what you share with your audience. The more you’re genuine, sincere … the more you’re being yourself, that’s how you will capture people’s hearts. Because people can easily tell if you’re not being genuine.”

PAOLO CONTIS PA-CUTE KAY YEN SANTOS

Nag-post si Paolo Contis ng screenshot ng Instagram post ni Yen Santos na bago ang hairstyle ng aktres na tila ginawa sa @zero1story_, dahil ‘yon ang caption niya. Ang zero1story ay isang salon sa Bonifacio Global City, Taguig City na nag-specialize sa mga Korean haircuts, treatments, at hair colors. Si Paolo rin ang isa sa mga unang likers sa post ni Yen.

Nitong Marso 2022, napabalitang break na raw ang dalawa, e hindi pa nga umaaming sila na nga. Fact is, mas madalas silang makitang magkasama ngayon, at HHWW pa nga. Saka kahit wala silang inaamin, sweet na sweet naman sila, at si Paolo, panay ang pa-cute kay Yen. Si Yen naman, laging walang comment. Manghula na lang tayo, at makitsismis sa mga Marites.

 

ALDEN RICHARDS AAKSYON SA KUMAKALAT NA FAKE NUDE PHOTOS

Gagawa ng legal na aksyon ang Sparkle GMA Artist Center na humakawak kay Alden Richards hinggil sa pagkalat ng mga pekeng nude photo ng kanilang talent na kumakalat ngayon sa social media.

Kinuhang larawan sa Instagram post ni Alden noong January 3, 2022 kung saan naka-topless siya sa loob ng bathroom. Naka-shorts ang orihinal na larawan pero in-edit ito para magmukhang hubad.

Agad namang naglabas ng official statement ang Sparkle para bigyang-linaw ang pamemeke. “We wish to inform the public that the said photo is fake and digitally altered using a picture that Mr. Richards posted on his social media account moths ago,” bahagi ng pahayag.

Nagbabala rin silang hahanapin kung sino ang gumawa nito at pananagutin sa batas. Sana nga ay mahuli kung sino man ang Barabas na ‘yon at nang maipakulong.