Ngayong panahon ng Covid 19, ang pangangati at pananakit ng lalamunan ay isa sa pangkaraniwang simtomas ng sakit na ito, kaya naman kailangan nating malaman ang ibang mga sanhi nito, at isa dito ay ang sakit na “Strep Throat”.
Ang Strep Throat ay isang sakit sa lalamunan na sanhi ng isang bacteriang Streptococcus pyogenes o kilala sa tawag na Group A Streptococcus (GAS). Ito ay madaling makahawa sa pamamagitan ng Airborne Droplets or maari ding makuha sa pamamagitan ng kontaminadong bagay at ito ay mailapat natin sa ating ilong at bibig. Kung hindi maagapan ito ay maaring magdulot ng komplikasyon sa katawan. Ang mga bata ay mas madaling makakuha ng sakit na ito, at ang pagkakaroon ng close contact ay isa sa risk factors na maaring magkalat nito.
Ang bacteria na nabanggit ay maaring makaapekto sa ating tonsils, sinus, balat, mata dugo at middle ear. Kapag naapektuhan ang lalamunan ito ay maaring makumpara sa mga viral counterparts nito (Ang Tawag Naman Ay Sore Throat) dahil sa presence ng “Nana or Pus”. Ang mga viral infection na nag sasanhi ng throat infection ay malimit mag-produce ng nana sa lalamunan. Ang mga kaakibat na simtomas ng Strep Throat ay ang pangangati or pananakit ng lalamunan, lagnat, ubo, masakit na kulani sa leeg, mahirap na paglunok, at sipon.
Ilan sa mga kumplikasyon ng Strep Throat ay ang mga inflammatory reactions tulad ng Scarlet fever, pamamaga ng kidneys na maaring magdulot ng Post-Streptococcal Glomerulonephritis, Rehumatic fever na maaring makasira ng mga heart valves, at Reactive arthritis na madalas maapektuhan ang tuhod at mga daliri. Dahil ito ay bacterial infection, ang tanging gamot ay ang pagbibigay ng Antibacteria or Antibiotics na nirereseta ng ating mga doctor, dahil kapag ito ay hindi maagapan, ito ay maaring magdulot ng mga komplikasyon na nabanggit.
Ito ay maiiwasan naman sa pamamagitan ng, paghugas ng ating mga kamay, pagtakip ng iating mga ilong at bibig sa pamamagitan ng face mask, pagmumog ng mga mouthwash, pagpapalakas ng resistensya at pagiwas sa pag-gamit ng mga personal na bagay ng ibang tao. Ang paulit ulit na “ Strep Throat” ay maaring maging indication ng pag alis ng ating tonsils (Tonsillectomy), na naayon sa recommendation ng ating Throat Specialist (HEENT).
Kapag me katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook.- Dr Samuel A Zacate
Comments are closed.