ANG TUNAY NA SIMULA NG LAHAT NG YAMAN

Heto Yumayaman

“ANG SINUMANG  lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.” (Hebrews 11:6).

Ano ba ang kayamanan (wealth)? Ang sabi ng diksiyonaryo, ito ay kasaganaan sa mahahalagang ari-arian o salapi.  Ito ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng  materyal na kaunlaran.  Ito raw ay pagkakaroon ng maraming mahahalagang kagamitan.  Kung totoo ang depinisyong ito, kung gayon, dapat ay maging  magaling kumita at mag-ipon ng mga ari-arian ang isang taong gustong yumaman.  Ito nga ang ginagawa ng ilang tao sa mundo.  Ang paniwala ng ilan, ang malinis na paraan para maabot ang layuning ito ay sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Ang lahi ng mga Judio sa Kanluran at mga Tsino sa Silangan ay ito ang itinuturo sa kanilang salinlahi.  Lumilikha sila ng kultura na itinutulak sa mga mamamayan nila ang maging mahusay sa pangangasiwa sa pera at pagnenegosyo.  Samantala, may ibang tao na gustong yumaman subalit hindi naman marunong magnegosyo, kaya natutukso silang gumawa ng mga gawaing labag sa batas tulad ng pagnanakaw, korupsiyon at panloloko para yumaman.

Mayroon akong nakilalang mag-asawang Pilipino na gustong yumaman subalit hindi marunong magnegosyo nang tama.  Tumira sila sa Estados Unidos para abutin ang tinatawag na “American Dream.”  Ang asawang babae ay galing sa mayamang angkan sa Pilipinas.  Ang lalaki ay galing sa mahirap lang, subalit naging mahusay na abogado.  Pagdating sa Estados Unidos, hindi niya puwedeng ipraktis ang abogasya niya.  Samantala, maluho, mayabang at dominante ang asawang babae.  Para sila magkaroon ng magarang tirahan at mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak, pumasok sa panloloko o mga gawaing scam ang asawang babae.  Marami siyang inutangang mga tao – karamihan ay mga Pilipino – na nagpahiram ng pera sa kanya sa pangako niyang investors daw sila sa negosyo niya.  Pinangakuan niya ng malaking tubo ang mga ‘investors’.  Noong una, nakakabayad siya ng ipinangakong tubo dahil marami pa siyang ibang taong nalolokong magpautang sa kanya.  Nag-real estate agent din siya at nagkumbinsi sa maraming taong kumuha ng magagarang bahay mula sa kanya sa pamamagitan ng pag-aareglo niya ng malaking utang mula sa mga bangko.  Magaling siyang magmanipula ng tao.  Nakamkam niya ang malaking bahagi ng mga pautang ng bangko.  Kaya niya napagtapos sa unibersidad ang mga anak niya at nakapagbuhay-marangya sila.

Subalit nang unti-unti nang nabisto ang panloloko niya, wala na silang mautangan at hindi na niya mabayaran ang tubo ng kanyang maraming investors.  Dahil dito, maraming sabay-sabay na naghabla sa kanya.  Tumakas sila sa iba’t ibang lugar sa Estado Unidos.  Nang wala na silang mapagtaguan, lumikas sila papuntang Ingglatera, at nanatili sa isang otel.  Ang plano nila ay umuwi na ng Pilipinas at doon nila ipagpapatuloy ang mga masasama nilang balak.  Habang nananatili silang mag-asawa sa otel, sumambulat ang galit ng asawang lalaki sa kanyang misis dahil sa palagay niya, nagkaloko-loko ang buhay nila at kung saan-saan sila nagtatago dahil sa mga kabu-lastugan ng kanyang misis; at nadamay lang siya.  Nagdilim ang paningin ng asawang lalaki dahil hindi na niya matiis ang masamang ugali ng misis niya, sinuntok niya at pinalo ng matigas na bagay sa ulo.  Akala niya ay na-patay niya ang misis niya at kinagat siya ng budhi niya.  Tumawag siya ng pulis at sumuko.  Nakulong siya sa ban-sang iyon.

Samantala, ang misis niya ay nabuhay at umuwi ng Pilipinas.  Habang nakakulong sa Ingglatera ang lalaki, ang misis ay nasa Pilipinas at dinapuan ng matinding awa sa kanyang mister.  Napag-isip-isip ng babae na malaki ang pagkakasala niya at siya ang dahilan kung bakit nagdurusa ngayon sa piitan ang mister niya.  Sumulat siya at sinabing pinapatawad niya ang mister niya, nauunawaan niya kung bakit pumutok ang galit niya, hiniling niyang  umuwi na sa Pilipinas at magsama na sila nang mapayapa sa natitira nilang buhay.

Matapos ang 10 taon sa piitan, at dahil sa mabuti niyang pag-uugali, pinalaya siya ng Ingglatera at umuwi na siya ng Pilipinas.  Nagsama sila ng kanyang misis sa kaunting panahon.  Dahil sa dami ng kabalisahan at kabiga-tan sa kalooban, ang misis ay nagkaroon ng stage 4 cancet.  Makalipas ang dalawang taon, pumanaw na siya.  Ngayon nag-iisa na lang ang mister.  Ang mga anak niya ay may kanya-kanya nang buhay sa ibang bansa.  Nagpapadala ng pailan-ilang pera ang mga anak para sa ikabubuhay ng matanda nilang ama.

Iyan ang nakakatakot sa pagnanasa at pagmamadaling yumaman, at mali ang paraan.  Natutukso ang maraming gumawa ng masama basta lang yumaman sila.  Mali ang paraang ito.  Ang tunay na simula ng pagyaman ay ang pagkakaroon ng takot sa Panginoon.  Ang Diyos ang may-ari ng lahat ng yaman.  Tayong mga tao ay katiwala lamang.  May wastong paraan ng pagyaman.  Ang sabi ng Bibliya, “Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.” (Kawikaan 10:22).



(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PER-FECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.)

8 thoughts on “ANG TUNAY NA SIMULA NG LAHAT NG YAMAN”

  1. First of all, thank you for your post. baccarat online Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^
    s

Comments are closed.